Paksa: KAKAPUSAN
Panimula:
Matapos pag-aral an ang ekonomiks
at ang kahalagahan nito sa ating pamilya at lipunan,
pag-aaralan natin ang kakapusan na dahilan ng pag-aaral natin ng ekonomiks.
Mauunawaan natin dito ang pagiging limitado ng ating mga likas na yaman nang makaisip tayo ng mga epektibong pamamaraan upang pamahalaanan ang mga ito. Inaasahan din na maiuugnay natin ang kakapusan sa ating
pang-araw-araw na pamumuhay at gayon din ang mga palatandaan na nagdudulot ng kakapusan.
Sa huli, ay matukoy ang suliraning panlipunan na dulot nito
at makapagmungkahi ng mga pamamaraan upang maiwasan ang mga suliraning dulot ng kakapusan.
Nilalaman:
Ang kakapusan
ay umiiral dahil limitado ang ating pinagkukunang-yaman. May
mga biyaya ang kalikasan na hindi napapalitan o non-renewable tulad ng krudo,
mga bato at metal, mga ilog at sapa, kabundukan at iba pa.
Sa hindi makatuwirang paggamit ng mga ito maraming nagaganap na suliranin sa ating bayan ito
man ay sa aspetong kabuhayan, politikal at sosyal. Walang hanggan ang ating mga pangangailangan at
kagustuhan na nagdudulot ng mgasuliraning ito. May pagkakataon na ang suliranin natin ay
panandalian lamang ito ay tinatawag na kakulangan. Ibig sabihin, kaya pang
solusyunan ang pangangailangan.
Gawain
1: Tukuyin kung ang sitwasyon/nagaganap ay nagpapakitang KAKAPUSAN O
KAKULANGAN.
_______________1.pagmimina ng ginto
_______________2.pagtaas ng presyo ng gulay sa Baguio
_______________3.pagkakaroon ng global warming
_______________4.pagkatuyo ng mga ilog at
sapa
_______________5.pagtaas ng presyo ng bigas dahil sa bagyong
Yolanda
Ang opportunity cost ng desisyon ay
kailangang bigyanng pansin. Ang opportunity
cost ay tumutukoy sa halagang bagay o nang best alternative
na handang ipagpalit sa bawat desisyong gagawin. Ang konseptong kakapusan, choice,
opportunity cost at trade-off ay maaari ring ipaliwanag sa pamamagitan ng Production Possibilities Frontier (PPF).
Upang lalong lumalim ang pagtalakay bisitahin ang https://prezi.com/u5-0lz0fk4jz/production-possibilities-frontier-ppf/ sa pagpapaliwanag ng PPF.
Gawain
2: Suriin ang production plan sa ibaba. Iguhit sa
graph at bigyan ng interpretasyon.
|
MgaPosibilidad
|
Kalsada (kilometro)
|
Palay (sako)
|
|
A
|
0
|
15
|
|
B
|
1
|
14
|
|
C
|
2
|
12
|
|
D
|
3
|
9
|
|
E
|
4
|
5
|
|
F
|
5
|
0
|
May
pagkakataon na kailangan nating pumili ng isang bagay sa pagdedesisyon o trade-off. Ang trade-off
ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Halimbawa, pinapili si
Ben para sa kanyang nalalapit na kaarawan,
pera o handaan? Pinili ni Ben ang pera, nangangahulugan na ang pinagpalit o trade-off niya sa pera ay ang handaan.
May
mga palatandaan upang matukoy kung may nagaganap na kakapusan. Una,
kapag mataas ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan o
pangunahing pagkain. Pangalawa, kapag may mahabang pila sa mga tindahan at bagaman
may pera, ay walang mabili. Pangatlo,
kapag maraming nagkakasakit na mamamayan sanhi ng gutom. Ikaapat,
kapag pilit na umaangkat sa ibang bansa ang pamahalaan kahit na naghihirap ito. Bisitahin ang https://tl.wikipedia.org/wiki/Kakapusan_(ekonomiya).
Gawain
3: Sagutin ang sumusunod. Isulat kung TAMA o MALI ang pangungusap.
__________ 1.Ang kakapusan ay
ang pagiging limitadong mga pinagkukunang-yaman.
__________
2.Malnutrisyon ang isa sa epekto ng kakulangan.
__________ 3.Ang pagtatago ng mga produkto
ay nagdudulot ng kakulangan.
__________
4.Magtipid upang maiwasan ang suliranin ng kakapusan.
Pagpapahalaga:
Ang pagmimina ay hindi dapat ipagbawal sa ating bansa dahil malaki ang naitutulong nito sa ating ekonomya.
Sang-ayon ka ba rito? Ipaliwanag.
Konklusyon:
Ang ating bayan
ay
nabiyayaan ng napakaraming likas na yaman subalit nakakaranas tayo ng napakaraming suliranin.
Mga suliraning dulot ng kakapusan sa mga pinagkukunang-yaman at ang epekto nito ay
kahirapan. Ang konsepto ng kakapusan ay
permanente ng kaganapan samantalang ang kakulangan ay panandalian.
